Provincial Comelec nagpaalala ngayong ipinatutupad na Gun Ban

Nag-umpisa na ang pagpapatupad ng gun ban kaugnay ng gaganaping May 9, 2022 local and national elections.

Ayon kay Jomel Ordas spokesperson ng Provincial COMELEC, exempted lamang sa gun ban ang mga law enforcement agencies gaya ng PNP , AFP.

Ipinaalala ng Provincial COMELEC na maaring mag-apply online para sa mga protected security agencies para sa exemption.

Sa panahon ng gun ban, bawal ang pagdadala ng mga armas ng mga sibilyan dahil kanselado ang Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR).

Umaabot sa  150 araw  ang pagpapatupad ng gun ban na  tatagal hanggang Hunyo 8, 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *