Provincial government ng Albay at 10 mga bayan at tatlong Lungsod pumasa sa SEAL OF GOOD FINANCIAL HOUSEKEEPING ng DILG sa taong 2021

LEGAZPI CITY – Ikinatutuwa ngayon ni Gobernador Al Francis Bichara na napabilang ang Provincial Government ng Albay at 10 mga bayan at tatlong lungsod na pumasa sa Seal of Good Financial Housekeeping sa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG) Albay.

Kabilang sa mga napasamang sa paparangalan ang bayan ng Daraga, Camalig Guinobatan, Libon, Malilipot, Pas, pioDuran, Polangui, Rapu-Rapu, Stop Domingo, lungsod ng Ligao, Tabaco at lungsod ng Legazpi.

Ayon Kay Bichara, bago makuha ang Good Financial Housekeeping ay may mga requirements na kailangan maipasa sa validation tulad ng posting sa public places, website at portal ng DILG.

Maliban pa rito wala rin dapat problema pagdating sa adverse opinion sa commission on audit (Coa).

Layunin nito ay Tama Ang paggamit ng pondo gobyerno at isa rin ito sa requirements para makapag utang sa mga bangko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *