LGU Polangui napasama muli sa parangal na SEAL of good financial housekeeping ng DILG

LEGAZPI CITY – Napabilang muli Ang Local Government unit (LGU) POLANGUI na Seal of Good Financial Housekeeping sa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon Kay Mayor Andy A. Mariscotes, kinilala ang Pamahalaang Bayan ng Polangui bilang isa sa mga “2021 Good Financial Housekeeping Passer” ng nasabing tanggapan.

Ito ay base sa audit o pagsusuring isinagawa ng DILG kung saan naipasa ng lokal na pamahalaan ang lahat ng pamantayan para sa mahusay na pamamahala pagdating sa accounting at auditing standards ng pamahalaan sa ngalan ng financial transparency, accountability at management.

Kinikilala nito ang katapatan at kaayusan ng Bayan sa pamamahala at paggamit ng pondo.

Itinuturing itong malaking tagumpay ng Bayan ng Polangui sa pamumuno ng nasabing alkalde katuwang ang Sangguniang Bayan, mga department heads at mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *