Provincial IMT may paglilinaw sa exemption sa antigen test ng mga fully vaccinated individual na papasok sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Hindi na oobligahin pang sumailalim sa antigen test ang mga fully vaccinated na indibidwal na papasok ng Camarines Norte simula sa November 01, 2021

Ito ang isa sa mga bagong panuntunan na nakasaad sa ipinalabas na executive order ni Governor Edgardo Tallado matapos na isailalim muli sa MGCQ o Modified General Community Quarantine ang probinsya

Ang mga fully vaccinated individual ay kailangan na lamang magprisinta sa border checkpoint ng Vaccination Card, Valid ID at travel pass bilang requirements sa pagpasok ng lalawigan

Ngunit paglilinaw ni Unified Incident Commander Atty Don Culvera ng Camarines Norte IMT, ang mga ituturing na fully vaccinated sa border checkpoint ay yaong nabakunahan na ng 14 days pagkatapos ng kanilang second dose ng COVID-19 vaccine

Habang ang Valid ID ay patunay ng kanilang pagkakakilanlan at ang travel pass ay kukunin pa rin via online sa www.camnortetravelpass.com

Nilinaw rin ng naturang opisyal na ang EO ay para lamang sa mga papasok ng Camarines Norte na fully vaccinated sa mga border checkpoint kung saan hindi nito sakop ang mga panuntunang ipinapatupad sa PITX o Parañaque Integrated Terminal Exchange para sa mga pasaherong dun sasakay papunta ng Camarines Norte

Ayon kay Culvera, ang PITX ay may hiwalay na panuntunan para sa kanilang mga pasahero at kung sakaling obligahin pa rin nila ang pasahero ng antigen test ay wala na umanong kontrol doon ang Provincial IMT at dapat itong sundin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *