PRRD at VP Leni magsasama sa isang infomercial re: COVID-19 vaccination?

Hindi masagot ng direcho ni Presidential Spokesman Sec. Harry Roque kung maaari bang magsama sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa isang infomercial kung saan hihikayatin nito ang publiko na magpabakuna at huwag nang pumili ng COVID-19 vaccine.

Ito ay matapos ang rekomendasyon ng isang Senador na dapat magsanib pwersa ang Presidente at Bise-Presidente para mapalakas ang kumpiyansa ng publiko sa mga bakuna.

Ayon kay Roque kung pagbabasehan ang mga nakalipas na pahayag ni Robredo, masyado umano nito pinulitika ang isyu sa bakuna nang sabihin nitong dapat magkaroon ng choice ang mga matuturukan ng bakuna at kinukwestiyon pa nga ng vice-president noon ang paggamit ng chinese vaccine.

Dahil dito kung kaya’t hindi umano nakikita ng Malakanyang na ii-endorso ang ganitong mga bagay ng bise-presidente.

Marahil kung magbabago ang mga pahayag ni bise-presidente ay posibleng pag-aralan umano ng Malakanyang ang naturang ideya.

Sinabi naman ni Atty. Barry Gutierrez tagapagsalita ng pangalawang-pangulo na bukas sila na magkaroon ng infomercial ang dalawa kung mag rere-reach out ang kampo ni Pangulong Duterte sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *