COVID UPDATE: 114 new cases, 6 deaths, 81 recoveries today

BNFM BICOL—Pumalo na sa 10,205 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos makapagtala ng 114 bagong kaso ngayong araw.

Pinakamaraming kaso ang nadagdag sa Camarines Sur na may 51 kung saan 11 nito ay mula sa bayan ng Milaor, walo sa Naga City, pito sa bayan ng Pili, apat sa bayan ng Canaman at Magarao, tatlo sa bayan ng Buhi at Calabanga, tigdadalawa ang mga bayan ng Camaligan, Lagonoy, Minalabac at Nabua at tig-iisa ang mga bayan ng Bula, Caramoan at Gainza.

Ang Albay ay nagtala ng 31 bagong kaso kung saan walo nito ay mula sa bayan ng Daraga, pito sa lungsod ng Legazpi, pito rin sa bayan ng Libon, lima sa lungsod ng Ligao, dalawa sa bayan ng Oas at tig-isa ang bayan ng Camalig at Polangui.

20 bagong kaso naman ang naitala sa Camarines Norte kung saan 11 nito ay mula sa bayan ng Daet, anim sa bayan ng Paracale, dalawa sa bayan ng Basud at isa sa bayan ng San Lorenzo Ruiz.

11 kaso ang naitala sa lalawigan ng Sorsogon kung saan pito nito ay mula sa lungsod ng Sorsogon at apat sa bayan ng Castilla.

Isang kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Catanduanes na mula sa bayan ng Virac.

Sa ngayon, nasa 2,694 (26.40%) ang bilang ng aktibong kaso ng sakit sa rehiyon.

Samantala, anim na bagong pagkasawi ang naitala kung saan apat nito ay mula sa lalawigan ng Albay at tig-isa ang Camarines Norte at Camarines Sur kung kaya pumalo na sa 369 (3.62%) ang total COVID-19 death toll sa Bicol.

81 bagong recoveries naman ang naitala kung saan 46 nito ay mula sa Camarines Sur, 14 sa Sorsogon, 13 sa Catanduanes, pito sa Albay at isa sa Camarines Norte. Sa kabuuan, sumampa na sa 7,142(69.99%) ang total recoveries sa sakit sa rehiyon.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *