PRRD, hindi na kailangang magpa-booster shot – Malacañang

Hindi nakikita ng Malacañang na kakailanganin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang booster shot matapos nitong matanggap ang kanyang ikalawang dose ng bakuna kontra covid-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, hindi na kailangan pang turukan ng ikatlong dose ng bakuna ang Pangulo dahil sinuri naman aniya ito at lumabas na napakataas ng anti-bodies count.

Mababatid na noong nakaraang Lunes ay natanggap na ng Pangulo ang kanyang ikalawang dose ng Sinopharm vaccine.

Ito ay makalipas ang sampung linggo nang turukan siya ng first dose ng nasabing bakuna.

Nauna na ring sinabi ni Sec. Roque na base sa payo ng doktor ng Pangulo, ang pagpapaturok niya ng ikalawang dose ay sapat nang proteksiyon laban sa virus.

Samantala, sinabi naman ng tagapagsalita na bagama’t napatagal ang pagbibigay ng ikalawang dose, ang mahalaga aniya ay fully vaccinated na ngayon si Pangulong Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *