BFAR, pinaalalahanan ang mga fish cage operators sa lawa ng Taal kaugnay sa patuloy na pagbaba ng dissolved oxygen

Pinaalalahanan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources- CALABARZON ang lahat ng fish cage operators sa lawa ng Taal kaugnay sa patuloy na pagbaba ng dissolved oxygen sa lawa.

Ito ay kasunod nang naging resulta sa pagsusuri ng BFAR sa kalidad ng tubig sa Taal Lake kung saan lumabas na mas mababa pa sa standard level na 5.0 milligrams per liter ang sukat ng dissolved oxygen sa lawa.

Naitala ang 4.05- 4.85 miligrams per liter na sukat ng dissolved oxygen sa fish cage areas at open water areas.

Ayon kay BFAR 4A Regional Director Sammy Malvas, kailangan ng bawat lokal na pamahalaan na nakapalibot sa lawa na paigtingin ang pagmamatyag sa mga alagang isda.

Anila, kung maaari ay anihin na o iharvest na ang mga pupwedeng iharvest sa mga itinakdang window hour upang maiwasan ang fish mortality o pagkamatay ng kanilang mga alagang isda.

Mababatid na ilang araw matapos ang nangyaring phreato magmatic eruption sa Bulkang Taal noong July 1 ay nagkaroon ng fish kill sa Talisay- Tanauan area kung saan umabot sa mahigit 100 metric tons ng mga isda ang namatay na ang dahilan ay ang pagbaba rin ng dissolved oxygen.

Samantala, ipinayo rin ng BFAR sa mga mangingisda sa lawa na gawin ang iba pang nararapat na hakbang tulad ng paggamit ng oxygen tanks, pump at engine sets.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *