PRRD, hindi susunod sa mga kautusan ng korte na may kinalaman sa COVID-19 protocols

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya susunod sa mga kautusan ng korte pagdating sa quarantine protocols.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang lingguhang Talk to the People na bahagi ng national interest ang pandemic response ng gobyerno.

Dagdag nga Pangulo, magkakaroon lang ng impasse at ayaw niyang makipagbanggaan ang hudikatura.

Ipinunto rin ng Punong Ehekutibo na hindi niya sinangayunan ang travel protocols ni Cebu Governor Gwen Garcia sa probinsya, at kailangan pang desisyunan ito ng Department of the Interior and Local Government.

Inihayag ito ng Pangulo matapos himukin ng mga abogado sa Cebu ang regional trial court na ideklarang inapplicable sa probinsya ang mga protocols ng pamahalaang nasyunal para sa incoming travelers na papasok sa naturang probinsya.

Mababatid na nais ng Cebu na mapauwi kaagad ang mga byahero kung lalabas na negatibo ang resulta ng kanilang COVID testing sa airport.

Para naman sa pamahalaang nasyunal ay kailangan ng mga byahero na sumailalim sa facility-based quarantine sa kanilang arrival.

Binibigyan ang mga byahero ng RT-PCR test sa ika-pitong araw ng quarantine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *