Mga pamilyang apektado ng baha sa Shariff Saydona Mustapha, tumanggap ng ayuda

Tumanggap ng ayuda sa pamamagitan ng relief operation ang tatlong barangay ng bayan ng Shariff Saydona Mustapha na apektado ng nagpapatuloy na baha sa probinsya. Sa direktiba ni Mayor Datu Sajid Islam Uy Ampatuan ay tinungo ngayong araw ng mga kawani ng bayan ang mga barangay ng Bakat, Inaladan at Ganta. Abot sa walong daang pamilya ang nakatanggap ng relief goods kasabay ng pasasalamat ng mga ito sa Lokal na Pamahalaan. Patuloy namang minomonitor ng MDRRMO ng bayan ang sitwasyon ng mga residente. Naisakatuparan ang relief operation na ito sa pamamagitan din nina Vice Mayor Bai Zandria Sinsuat Ampatuan at Municipal Councilor Datu Sajid Andre Sinsuat Ampatuan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *