PRRD ikinokunsidera ang pagtakbo sa senado matapos himukin ng mga kapartido – Go

Ibinunyag ni Sen. Christopher Bong Go na mariing pinag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtakbo sa pagka-senador kasunod ng panawagan ng mga kapartido nito sa PDP-Laban.

Ayon kay Go tinatantiya umano ng Presidente kung makakatulong ba sa bayan kung tatatakbo ito sa senado.

Ito ay sa kabila nang naunang pahayag nang Pangulo na balak na nitong magretiro at magpahinga na sa pulitika kapag matapos ang termino sa Malakanyang.

Sinabi ni Go na isa sa mga tinitingnan ni Pangulong Duterte ay kung makakatulong ba sa slate ng administrasyon ang kanyang pagtakbo.

Binigyan-diin naman ng mambabatas na hindi pa rin nawawala ang pagnanais ng Pangulo na magserbisyo pa sa bayan na maituturing umanong ‘proven and tested’ na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *