6 na buwan bawas sa excise tax sa petrolyo ipinanukala sa Kamara

Isinusulong ngayon ng ilang mambabatas sa mababang kapulungan ng kongreso na bawasan ang excise tax sa produktong petrolyo sa loob ng anim na buwan.

Sa House Bill no. 10438 na inihain ni Albay Rep. Joey Salceda, nais nitong amyendahan ang fuel excise provision ng National Internal Revenue Code bilang tugon sa patuloy na pagsirit ng presyo ng langis sa merkado.

Sa naturang panukala, layon nitong ma-exempt ang diesel at kerosene sa pagbabayad ng excise tax.

Maliban dito pinababawasan din ni Salceda ang excise tax ng gasolina sa P7 per liter mula sa kasalukuyang P10 per liter.

Ayon sa mambabatas posibleng maka-apekto sa economic recovery at price stabilization ang patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *