PRRD, tiniyak na bibilis na ang deployment ng bakuna sa bansa

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na idedeploy kaagad ng gobyerno ang mga bakuna sa mga lokal na pamahalaan oras na dumating ang mga ito sa bansa.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos ireklamo ni Manila Mayor Isko Moreno ang tinawag nito bilang “super slow” vaccine deployment ng gobyerno.

Ayon sa Punong Ehekutibo, pwede nang maipamahagi ng gobyerno ang COVID-19 vaccine doses dahil nakakatanggap na ng steady na suplay ang bansa.

Kaugnay nito ay naiulat naman ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez na nakatakdang tumanggap ang Pilipinas ng 7-million vaccine doses ngayong buwan, at ng karagdagang 10-million ngayong June.

Kabilang na rito ang tinatayang nasa 2.2-million doses ng Pfizer vaccine mula sa COVAX facility ngayong Mayo, at ang tinatayang 2-million doses ng AstraZeneca sa June, na magmumula rin sa COVAX.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *