PRRD, wala pang nakikita na dokumento na nagpapatunay na pumirma ang Pilipinas sa Rome Statute na bumuo sa ICC

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala pa siyang nakukuhang kopya ng dokumento na nagpapakita na pumirma ang Pilipinas sa Rome Statute na bumuo sa International Criminal Court.

Sa Talk to the Nation ng Pangulo kagabi ay itinanggi niya na nagkaroon ng anuman publication sa Pilipinas kaugnay sa signing ng Rome Statue.

Kinwestyon naman ng Pangulo si retired Associate Justice Antonio Carpio kung bakit walang recorded publication ang pagpirma ng Pilipinas sa Rome Statue.

Ipinunto ng Pangulo na itinuturing ng Korte Suprema na “fatal” ang anumang polisiya na walang publication sa Official Gazette.

Dahil diyan ay naniniwala ang Pangulo na walang saysay ang pag-pull out ng bansa mula sa Rome Statute noong May 2019, dahil hindi naman talaga kabahagi nito ang Pilipinas.

Ipinunto ng Pangulo na isinapubliko niya lamang ang kaniyang desisyon na mag-pull out sa Rome Statute para magyabang sa mga tao, ngunit wala naman talaga itong saysay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *