NCR, isinailalim sa GCQ with heightened restrictions mula August 1-15, 2021

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na palawigin ang general community quarantine with heightened restrictions sa Metro Manila mula August 1-15.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan din ng Pangulo ang rekomendasyon ng IATF na panatilihin ang enhanced community quarantine classification sa Iloilo City at sa probinsya ng Iloilo sa Region 6, at Cagayan de Oro City at Gingoog City sa Region 10 mula August 1-7.

Nasa ilalim naman ng modified enhanced community quarantine classification ang Ilocos Norte sa Region 1, Bataan sa Region 3, at Lapu-Lapu City at Mandaue City sa Region 7 mula August 1-15.

Magpapatuloy naman ang GCQ with heightened restrictions sa Metro Manila sa kabila ng rekomendasyon ng OCTA Research Group na magpatupad ng “circuit breaker” lockdown sa loob ng isa hanggang dalawang linggo simula sa August 1 dahil sa nagpapatuloy na pagtaas ng mga kaso sa rehiyon.

Bukod sa Metro Manila ay isinailalim rin ang maraming lugar sa General Community Quarantine with heightened restrictions mula August 1-15 ang ilang mga probinsya.

Kabilang na rito ang Ilocos Sur sa Region 1, Cagayan sa Region 2, Bulacan sa Region 3, Laguna, Lucena City, Cavite, at Rizal sa Region 4-A, at Naga City sa Region 5.

Ipatutupad rin ang GCQ with heightened restrictions sa Antique, Aklan, Bacolod City, at Capiz sa Region 6, Negros Oriental sa Region 7, Zamboanga del Sur sa Region 9, at Misamis Oriental sa Region 10.

Parehong quarantine classification rin ang ipatutupad sa Davao City, Davao del Norte, Davao de Oro, at Davao Occidental sa Region 11, at sa Butuan City sa CARAGA.

Isasailalim naman sa GCQ ang mga sumusunod na lugar sa buong buwan ng Agosto:

Baguio City at Apayao sa Cordillera Administrative Region, City of Santigo, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino sa Region 2, Quezon at Batangas sa Region 4-A, Puerto Princesa sa Region 4-B, at Guimaras at Negros Occidental sa Region 6.

Ilalagay rin sa ilalim ng GCQ ang Zamboanga Sibugay, City of Zamboanga, at Zamboanga del Norte sa Region 9, Davao Oriental at Davao del Sur sa Region 11, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato, at South Cotabato sa Region 12.

Asahan rin ang GCQ sa Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands at Surigao del Sur sa CARAGA, at Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ilalagay naman sa modified GCQ ang iba pang mga lugar sa Pilipinas sa buong buwan ng Agosoto.

Mababatid na sinabi ng OCTA Research na posibleng may kinalaman ang maagang bahagi ng surge sa pag-usbong ng Delta variant cases.

Sa ngayon ay naitala sa Pilipinas ang 119 na kaso ng mas nakakahawang variant kabilang na ang apat na nasawi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *