PSO Daraga, nagpalabas ng polisiya sa mga stall vendors sa Daraga, Albay

LEGAZPI-Isinasaayos na ngayon ng Public Safety Office Daraga ang ilan pang problema sa bayan na nagdadala ng traffic.

Isa umano sa naging order ni Mayor Awin baldo ay ang kausapin ang mga stall vendors na may sariling mga sasakyan at nasasakop na ang parking space.

Aniya, may order ang alkalde na i-clear ang nasabing espasyo ayusin ang sistema ng pagpark at paghahatid ng mga paninda.

Samantalang, wala naman umanong pagtutol sa mga vendors dahil napagkasunduuan na tanging gagamitin nito na spasyo ay ang natuturukan lamang ng kanilang tindahan .

Samantalang, pinuri naman ng ilang mga residente ang PSO at PNP dahil nakita na umano nilang organisado na ang kasentruhang bahagi ng bayan na dati rati ay mabigat ang traffic at kung minsan ay marumi.

Sa susunod naman na linggo, inaasahan naman na magpapalabas ng executive order patungkol sa mg public utility vehicles.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *