Public Elementary at Secondary School sa Maynila, half-day simula April 11 – May 28

Ipapatupad sa lahat ng Public Elementary at Secondary School sa Maynila ang pagsisimula ng klase ng alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali simula April 11 hanggang May 28.

Alinsunod ito sa Memorandum No. 140 s. 2024 dahil sa mataas na heat index na nararamdaman sa bansa.

Inaatasan naman ang mga Public School District Supervisor na magbigay ng tulong technical sa pagbalangkas ng binagong schedule.

Inaabisuhan din ang mga guro na magreport pa rin sa mga paaralan para sa pagsasagawa ng mga online classes, pagbabantay sa lagay ng mga estudyante at iba pang tungkulin.

Magsasalitan ang pang umaga at paghapon na klase sa half day na f2f classes habang awtomatikong sasailalim sa asynchronous classes ang walang f2f na klase.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *