Publiko, pinag-iingat ng IPHO So.Cot laban sa dengue

KORONADAL CITY- BINABANTAYAN ngayong panahon ng tag-init ang pagdami na naman ng mga sakit dala ng lamok katulad ng dengue.

Ayon kay South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr na ito ay dahil mabilis umano ang pag-transform at cycle ng lamok mula sa itlog kung tag-init.

Inihayag ni Aturdido na may mga bayan na sa probinsya na mayroong clustering ng dengue cases.

Mas mataas din aniya ang kaso ng dengue ngayon kung ikukumpara sa katulad na panahon noong nakaraang taon.

Kaugnay nito, nananawagan ang opisyal sa lahat na hanapin at linisin ang mga lugar na maaaring pamahayan at pangitlogan ng lamok na nagdadala ng dengue.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *