Publiko, pinag-iingat sa sea urchins sa Ragay, Camarines Sur

CAMARINES SUR – Pinag-iingat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Ragay ang publiko sa sea urchins o mas kilala sa tawag na “tayong” dahil sa makamandag na tinik nito.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay MDRRO Engr. Neopito Tipay Jr., sinabi nitong walang pinipiling panahon ang pagsisilabasan ng “tayong” at ang lokasyon nito sa dagat ay madalas na naaabot pa rin ng mga eskursyunista. Payo nila sa mga may-ari ng resort na kung maaari ay damputin o alisin na ang mga sea urchins bago buksan sa publiko ang paliguan.

Bagamat may payo na sila sa mga resort owner, may mga pagkakataon pa rin na hindi maiiwasan na may mga nabibiktima pa rin ng “tayong” kung kaya’t sa parte ng MDRRM, nakastandby sila para magrescue. Para naman sa mga bakasyunista, mas mainam na may dala silang first aid kit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *