Pulis patay matapos aksidenteng mabaril ang sarili

Nasawi ang isang pulis matapos aksidenteng mabaril ang kanyang sarili sa Santiago City.

Ang namatay ay si PMaster Sgt. Henry Areola Esteban, 46 anyos, may-asawa ,residente ng San Andres, Santiago City .

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Station 1 ng Santiago City Police Office, nakatanggap sila ng tawag mula sa Punong Barangay ng San Andress at ipinaalam ang naturang insidente.

Base sa report ng kapulisan Ang biktima ay nagtungo sa kanilang bakuran malapit sa tabing ilog dala ang issued firearm para magfiring.

Sa Kasamaang palad, nadulas si PMasterSgt. Esteban at nakalabit ang  gatilyo ng baril at tumama ang bala sa kanyang ulo na dahilan ng kanyang kamatayan.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ng mga tumugong rescue team subalit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

Si Police Master Sgt. Esteban ay kasalukuyang nakatalaga sa Traffic Enforcement Unit ng SCPO.

Nakuha sa crime scene ang isang Cal. 9mm pistol Glock 17 at isang empty shell.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *