S. Korea at US military nagpakawala ng ‘volley of missiles’ bilang sagot sa NoKor

Nagpakawala ng “volley of missiles” ang South Korea at US military bilang tugon sa pagpapakawala ng ballistic missile ng North Korea sa ibabaw ng Japan.

Ayon sa South Korea’s Joint Chief of Staff , nagsasagawa din ng missile drill ang South Korean at American troops bilang tugon sa mga ginagawa ng Seoul.

Base sa statement, parehong nagpakawala ng pares ng US-made ATACMS short-range ballistic missiles ang parehong panig.

Kinumpirma naman ng militar na sumablay ang South Korean Hyunmoo-2 matapos itong ma-launched at mag-crash pero suwerteng walang casualties.

Matatandaang kapwa kinondena nina US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang ginawang test ng North Korea habang tinawag itong provocative avtion ng European Union.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *