Pulisya at Barangay Opisyal, regular ang house to house sa mga Persons Who Used Drugs sa Naga City  

NAGA CITY – Bumibisita ang mga barangay opisyal kasama ang ilang personahe ng Naga City Police Office sa bahay ng mga naitalang Persons Who Used Drugs, bilang bahagi ng intervention at programa para sa pagmonitor sa mga ito, sa pag-iwas sa illegal na druga, lalo na ngayong may mga naaresto na namang mga drug personalities sa Isla Sison, Barangay Peñafrancia.

Partikular na nagsasagawa nito ay ang mga Drug-Cleared Barangay na mas lalong pinahigpit ang paglaban sa illegal drugs operation, isa na rito ang Barangay Tinago.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News Fm Naga kay Tinago Punong Barangay Estelita Bautista, sinabi niyang hindi sila tumitigil sa pagpatupad ng mga programa para sa mga PWUDs, pag-alam sa mga activity ng mga ito at pagtiyak na hindi na sila babalik sa masamang bisyo, ang paggamit ng illegal drugs na shabu at marijuana.       

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *