PUP Sta. Mesa, nagbawas ng on-site workforce mula Jan 10-16

Babawasan ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang kanilang on-site workforce mula January 10 hanggang 16.

Ipinaliwanag ng unibersidad na dahil ito sa pagsipa ng positive COVID-19 cases.

Ipinunto rin ng PUP na marami sa kanilang mga estudyante at empleyado ang nakikitaan ng COVID-19 at flu-like symptoms.

Inabisuhan naman ng unibersidad ang mga kliyente nito na may aprubadong appointments na iurong na lamang ito sa ibang petsa o simula sa January 17.

Hinimok rin nila ang kanilang mga kliyente na gamitin ang online systems ng PUP o kontakin sila sa pamamagitan ng email na makikita sa www.pup.edu.ph/about/contactinformation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *