PWD athlete na taga Albay, binigyang-parangal ng PGA at Sangguniang Panlalawigan matapos humakot ng mga medalya sa 11th ASEAN Para Games Solo 2022

Binigyan ng parangal ng Provincial Government ng Albay at Sangguniang Panlalawigan ang isang Albayanong atleta na isa ring person with disability (PWD).

Kinilala itong si Gary Bejino na residente ng Brgy. San Lorenzo, mula sa lungsod ng Tabaco ng nasabing lalawigan.

Si Bejino ay humakot ng ginto at silver medal sa 11th ASEAN Para Games Solo 2022 sa Surakarta, Indonesia.

Si Bejino ang kinatawan ng team Philippines na nanalo ng gintong medalya sa Men’s swimming 100-meter freestyle, at 2 silver medals para sa Men’s swimming 50-meter butterfly at 50-meter freestyle.

Ayon naman kay Bejino, sa tagal na nitong paglalaro sa internasyunal na kompetisyon magmula noong 2013 hanggang sa kasalukuyan ay ngayon lamang umano ito nabigyan ng pagkilala o parangal ng pamahalaang panlalawigan.

Pinasalamatan din nito ang mga tumulong at sumuporta sa kanya upang maabot nito ang kanyang tagumpay. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Vice Governor Edcel Lagman at Board Member Baby Glenda Bongao para sa pagbibigay-parangal sa Albayanong atleta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *