‘No backpack challenge,’ inilunsad ng isang paaralan sa Masbate

Naglunsad ng ‘no backpack challenge’ ang Immaculate Conception Academy (ICA) sa bayan ng Balud, Masbate.

Mismong ang Punong Guro ng paaralan na si Roger Javier Enoc Jr. ang nagmungkahi na bawal muna ang pagdala ng backpack o bag sa campus sa mga estudyante maging sa mga guro at kawani bilang isang hamon.

Bilang pagkasa sa hamon, nagdala ng kung anu-anong bagay katulad ng bayong, malaking plastic bag kabilang na ang garbage bag, travelling bag at kung anu-ano pa bilang pamalit sa lalagyan ng gamit ng mga estudyante at guro.

Isinali ng nasabing paaralan ang kanilang Tiktok sa ‘no backpack challenge Tiktok’ at naging viral naman ito na ngayon ay may 1M views na sa kabila ng maraming komento na ito ay hindi pagkamalikhain, hindi praktikal at hindi makatuwiran.

Bakit nga ba bawal ang mga backpack sa paaralan? at saan ito nagsimula?

Sinasabing ang trend na ito ay nagsimula dahil sa pangangailangan para sa mga mag-aaral sa Idaho. Nagsimula ang lahat sa Jefferson School District 251 sa Idaho kung saan noong Mayo 2021, nagpaputok ng baril ang isang 6th-grader at binaril ang dalawang estudyante at isang janitor. Ito ang naging dahilan upang maging alerto ang school board pagdating sa seguridad at kaligtasan ng paaralan.

Sa madaling salita, ang ilang mga paaralan ay nagsimulang ipagbawal ang mga backpack bilang hakbang sa kaligtasan. Ang mga backpack ay tinitingnan bilang mga potensyal na isyu sa kaligtasan dahil maaari itago dito ang mga mapanganib na bagay tulad ng baril, droga o iba pang mga armas.

PHOTOS: ctto

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *