QCPD, nanindigan sa pagsasampa ng kaso sa artist at 3 kasamahan nito

Dalawang magkahiwalay na kaso ang kahaharapin ng artist at tatlong iba pang kasamahan nito matapos na manindigan ang Quezon City Police District’s (QCPD) sa pagsasampa ng reklamo laban sa mga ito.

Sa panayam ng Brigada kay PBGen. Nicolas Torre III, Director ng QCPD sinabi nito na hindi na nila kukunsintihin ang ginawa ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na sa mahabang panahon ay kanilang pinagbibigyan.

Ayon kay Torre, paglabas sa Ecological Solid Waste Management Act at Clean Air Act ang kakaharapin ng apat na akusado dahil sa pagsunog sa effigy ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) at Republic Act No. 8749 o mas kilala bilang Clean Air Act.

Nabatid na natanggap na ng resident artist grupong BAYAN at tatlong iba ang subpoena na iginiit na lalabanan ang isinampang reklamo dahil malinaw na paglabag sa kanilang freedom of expression.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *