Quiboloy, nag-may-ari ng 19 armas – PNP

Kinumpimra ng Philippine National Police na nagmamay-ari ng mga baril si Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, 19 na baril ang pag-aari ni Quiboloy.

Mula sa nabanggit na bilang , isa aniya sa firearm ang nag-expire nitong buwan ng Marso habang ay iba ay valid at existing pa ang lisensiya.

Sinabi ni Col. Fajardo na aalamin nya sa PNP Firearms and Explosives Office kung maaaring maging basehan ang kinakaharap na kaso ni Quiboloy para suspendihin ang lisensya ng kanyang mga baril.

Sa ngayon sinabi ng opisyal na tuloy-tuloy ang ginagawang manhunt operation ng mga awtoridad sa church leader para isilbi ang warrant of arrest na inisyu ng Davao RTC.

Naniniwala rin ang PNP na hindi pa nakakalabas ng bansa si Quiboloy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *