Presensiya ng 2 PLA Navy ships ng China sa joint drills sa WPS, kinumpirma ng AFP

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na 2 People’s Liberation Army Navy ships ng China ang namonitor sa unang Multilateral Maritime Coperative Activity sa West Philippine Sea.

Ang MMCA ay isinagawa sa pagitan ng Pilipinas, United States, Japan, at Australia kahapon.

Sa panayam kay Gen. Brawner, namonitor ang 2 barko 6 nautical miles ang layo kung saan isinagawa ang MMCA.

Hindi anila batid ang dahilan o intensyon ng presensiya ng mga barko. Wala rin ginawang aktibidad ang mga ito kasabay ng matagumpay na MMCA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *