Quiboloy, pinatatawad na ang lahat ng mga tao na tumraydor sa kaniya

Pinapatawad na ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy ang mga nang-aakusa sa kaniya sa gitna ng kinahaharap niyang kaso na sex trafficking sa Estados Unidos.

Ayon kay Quiboloy, pinatatawad na niya ang lahat ng kaniyang “detractors” at ang lahat ng mga “betrayals” na kaniyang naranasan.

Ipinunto rin niya na kasama sa kaniyang nais patawarin ay ang lahat ng mga tumraydor sa kaniya.

Noong 2020, ay unang nang napawalang-sala si Quiboloy sa kasong rape at sexual abuse dahil sa kakulangan sa ebidensya.

Samantala, isiniwalat naman ng Department of Justice na wala paitong extradition request na natatanggap mula sa U.S. Embassy na may koneksyon sa kaso ng pastor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *