Nag-abiso ang US Centers for Disease Control and Prevention laban sa pagbyahe papuntang Germany at Denmark.
Dahil ito sa tumataas na bilang ng COVID-19 cases sa mga nabanggit na bansa.
Isinailalim ng CDC ang travel recommendation nito sa “Level Four: Very High” para sa dalawang European countries.
Ibig sabihin nito ay inirerekomenda ng CDC sa lahat ng Americans na umiwas na sa pag-travel papunta sa Germany at Denmark.
Samantala, binabaan naman ng CDC ang COVID-19 travel advisory nito para sa Israel, Aruba, US Virgin Islands, Curacao, at Guadeloupe sa “Level Three: Low” mula sa dating Level Four.