Rank No. 2 MWP ng Pilar Police, arestado

SORSOGON CITY – Arestado ang Rank No. 2 Most Wanted Person ng Pilar Police sa Brgy. Lungib ng nasabing bayan.

Kinilala itong si Antonio Atanacio Cano, 69 anyos, may asawa, construction worker, at residente ng nabanggit na lugar.

Inaresto ang akusado ng mga tauhan ng Pilar Municipal Police Station sa bisa ng warrant of arrest  na inisyu ni Hon. Flerida Zaballa- Banzuela, Presiding Judge ng RTC Br 51 Sorsogon City, para sa kasong paglabag sa RA 7610 at 2 counts of Qualified Rape na walang inirekomendang piyansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Pilar MPS ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *