LGU Matnog nagpaliwanag sa tambak na basura na inireklamo ng ilang netizens sa Brigada News-Sorsogon

Ayon sa mga netizens ng Matnog, magda-dalawang linggo na na hindi nahahakot ang naturang mga basura.

SORSOGON CITY – Nagbigay ng kapaliwanagan ang lokal na pamahalaan ng Matnog kaugnay sa isyu ng tambak na basura na nagkalat sa ilang sulok ng sentro ng nasabing bayan na inireklamo ng ilang netizen sa Brigada News FM Sorsogon.

Sa panayam ng Brigada News sa  Municipal Administrator na si Joenebel Figueroa, sinabi nito na normal na nagkakaroon ng ‘delay’ sa paghahakot nga basura sa sentro ng bayan dahil ito umano ang sentro ng komersyo at nakadagdag pa umano rito ang trak-trak na basurang iniwan ng mga na-stranded na pasahero matapos magtapupad ng travel restriction sa nasabing pantalan dahil sa sama ng panahon, habang ilang porsiyento rin na nakadagdag rito ang nagdaan na holidays.

Aniya, araw araw naman ay naghahakot ang kanilang MENRO ng basura ngunit sadyang kulang sila sa tao at sasakyang gamit pang hakot kung kaya’t nagsasagawa sila ng augmentation katuwang ang Provincial Government.

Kung babalikan, nakatanggap ng matinding batikos sa official facebook page ng Brigada News ang LGU dahil sa na-epost na larawan at mga video ng tambak na basura sa iba’t-ibang parte ng sentro ng nasabing bayan. Ang mga larawan at video ay ipinadala sa nasambit na istasyon ng radyo.

Sa update na nakuha ng Brigada News, agad na sinimulan ang paghahakot ng nasabing basura at paglilinis sa nasabing lugar na pinagtambakan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *