Regine Velasquez, inaming hindi na natatatamaan ang mga high notes tulad dati

Inamin ni Regine Velasquez na hindi na umano niya natatamaan ang matataas na mga nota, gaya noong siya ay bata pa.

Ginawa ni Regine ang pag-amin sa kanyang tweet, kasabay ng pagbabahagi ng clip habang siya ay kumakanta ng “Ikaw ang Lahat sa Akin” mula sa kanyang concert kasama si Martin Nievera noong 2003.

Sa gitna nito, aminado rin ang singer na hamon para mapanatili umano ang kanyang boses.

Sa kabila nito, masaya naman umano siya na patuloy siyang binibigyan ng platfrom ng network kung saan siya ngayon, para maipakita ang kanyang talento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *