Region 12 nakapagtala ng 603 new COVID 19 cases

KORONADAL CITY- NAKAPAGTALA ang Soccsksargen region ng 603 na mga bagong kumpirmadong kaso ng COVID 19.

Ito ay batay sa COVID 19 tracker ng Department of Health (DOH) 12 noong, September 16.

Dahil dito, umakyat na sa 44,833 ang COVID 19 cases sa rehiyon12 kung saan 6,472 sa mga ito ang aktibong kaso, 1,427 ang COVID related deaths habang 36,926 naman ang naka-recover.

Nangunguna sa may pinakamaraming active cases ang South Cotabato na umabot sa 2,318. Ito ay sinusundan ng North Cotabato na may 1,341; General Santos City 1,145; Saranggani 892; at Sultan Kudarat 776.

Samantala, 358 naman ang naitalang new recoveries at 20 ang bagong naitalang namatay.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID 19, nananawagan ang DOH 12 sa mga mamamayan na sundin ang minimum health protocols at magpabakuna kung panahon na ng kanilang vaccination.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *