Rekomendasyon sa pagkansela ng lisensya sa firearms ni Quiboloy, inaprubahan na

Inaprubahan na ni PNP Chief Gen.Rommel Francisco Marbil ang rekomendasyon ng Firearms and Explosives Office na kanselahin ang license to own and possess firearms ni Apollo Quiboloy.

Ito’y matapos ang review na ginawa ng legal service ng Office of the Chief PNP.

Ang rekomendasyon ng FEO ay naka-angkla sa nakasaad sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Bukod kay Quiboloy, ipinawalang bisa na rin ang license to own and possess firearms ng kanyang kapwa akusado na si Ingrid Canada.

Sa pulong balitaan kanina, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, agad na ipatutupad ng FEO kautusan at bibigyan ng pagkakataon si Quibuloy na isuko ang kanyang mga baril.

Ituturing na kasi itong loose firearms kapag hindi naisuko.

Nabatid na si Quiboloy ay nahaharap sa kasong sexual abuse at human trafficking at patuloy na tinutugis ng mga awtoridad dahil sa pagiging pugante.

Sa kabuuan, 19 na baril ang naka-rehistro Pastor Quiboloy base sa datos ng FEO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *