Remy Martin, desidido parin maglaro para sa Gilas Pilipinas

Muling iginiit ni Kansas standout Remy Martin ang kanyang kagustuhan na maglaro para sa Gilas Pilipinas.

Ang Filipino American guard ay isa sa 23 players na kasama sa “23 for 2023” roster na binuo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas noong 2018, bilang anticipation ng bansa sa paghost ng 2023 FIBA Basketball World Cup.

Si Martin na ang nanay ay tubong Pampanga ay may dual citizenship, dahilan para maging eligible na maglaro para sa Philippine national men’s basketball team.

Sa gitna nito, ang six-foot guard ay nananatiling positibo na makakakuha ng national team call-up sa hinaharap, o mahigit isang taon bago ang 2023 FIBA Basketball World Cup.

Ang Filipino American cager ay may remarkable four-year stint sa Arizona State Sun Devils, kung saan nanalo ito ng ilang accolades, gaya ng Pac-12 Sixth Man of the Year noong 2018 at naging bahagi ng First Team All Pac-12 noong 2020 at 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *