Ukrainian presidential adviser, nanawagan ng mas mabigat na weaponry

Nanawagan si Ukrainian presidential adviser Mykhailo Podolyak sa US at sa mga kaalyado nito na magpadala ng mas mabigat na weaponry sa dating Soviet nation, sa harap ng pagshift ng Russian military sa kanilang kampanya para tutukan ang silangan at timog ng Ukraine.

Ayon kay Podolyak, matapos ang mabilis na pagsuko ng Russians mula sa Kyiv at Chernihiv, malinaw umano na pina-prayuridad ngayon ng Russia ang isang pang tactic, na kumilos pa-east/south, para makontrol ang malaking okupadong teritoryo, hindi lang sa Donetsk at Luhansk regions, at para makuha ang malakas na foothold doon.

Giit nito, walang silang magagawa kung wala silang malalakas na armas sakaling gusto nilang i-unblock ang silangan at Kherson at ibalik ang Russians.

Matatandaan na noong nakaraang buwan, sinabi ng Russian military na ang unang stage ng kanilang invasion sa Ukraine at kompleto na, kaya tatanggalin na ang kanilang pwersa mula sa palibot ng Kyiv at Chernihiv, para makapag-concentrate naman sa Donbas region

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *