Residential area sa QC, nasunog; Bahay ni PCO Sec. Cheloy Garafil, nadamay

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Gabriela Silang Street, Barangay Batasan Hills, Quezon City, bandang alas-otso ng gabi.

Ayon sa BFP-Quezon City, nagtagal ng halos dalawang oras bago ito idineklarang fire-under control.

Tatlong bahay ang natupok ng sunog, at isa na rito ay pag-aari ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil.

Sinabi ni Garafil na naghahanda na sana sila ng hapunan at biglaan na lamang nagsigawan ang mga residente kaya’t lumabas na rin siya kasama ang kanyang mga anak, kasamahan sa bahay at alagang aso.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng BFP ang sanhi ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *