Resolusyon kaugnay sa kahilingan na mabigyan ng pondo para sa libreng antigen testing ang mga walang kakayanang magbayad na papasok sa Camarines Norte inaprubahan kahapon

CAMARINES NORTE- Inaprubahan kahapon ng Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon ni Board Member Atty.  Godfrey Parale kaugnay sa kahilingan kay Camarines Norte Governor Edgardo Tallado na mapaglaanan ng pondo para sa libreng Antigen test ang mga walang kakayahang magbayad na nais pumasok o umuwi sa Camarines Norte.

Ngunit  ang bibigyan ng libreng Antigen Test ay yaong may magandang dahilan kung bakit sila papasok o uuwi ng probinsiya at mga mahihirap na Camnorteño.

Ayon kay BM Parale, Malaking tulong kasi ito sa mga taga-Camarines Norte dahil sa sobrang kamahalan ng antigen Test na halos nasa 800 hanggang 2500 pesos ang halaga

Ayon pa dito, kung tutuusin ay pumapalo lamang sa 300 daang piso ang antigen test

Bukod dito, kinuwestyon din ng minority members ng Sangguniang Panlalawigan kung sino ang may-ari o sino ang nagsiislbing third party ng Antigen testing center.

Lumalabas anya kasi na wala man lamang memorandum of agreement sa pagitan ng  Provincial Government at ng Biotecnica Diagnostic test Inc. na inaprubahan ng  Sangguniang Panlalawigan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *