Philippine Sports Training Center itatayo sa Bataan

Tiniyak ni Sen. Christopher Bong Go ang kanyang patuloy na suporta sa sports development dito sa bansa.

Ginawa ni Go ang pahayag matapos saksihan ang signing ng deed of donation ng Provincial Government of Bataan para sa lupa na pagtatayuan ng Philippine Sports Training Center.

Sa kanyang talumpati sinabi ni Go, na kapag nagtutulungan ang mga atleta pati na ang ating gobyerno at mga private sector ay tiyak umanong malayo ang mararating ng bansa sa larangan ng palakasan.

Nabatid na ang donasyon ng probinsiya ng Bataan ay may anim na lote at may sukat na 250,000 square meters na matatagpuan sa bayan ng Bagac.

Posible umanong matapos ang PSTC sa 2025 kung saan gagamitin ito bilang training center para sa mga atleta na lalahok sa Southeast Asian Games at maging sa Olympics.

Magugunitang noong Pebrero 2019 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11214 na nag-aatas sa mga kinauukulan para gumawa ng Philippine Sports Training Center na layong mapaganda pa ang larangan ng palakasan sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *