Resolusyon na nagbibigay ng papuri kay Dolly de Leon sa kanyang acting nominations sa ibang bansa, inihain sa Senado

Inihain sa Senado ang isang resolusyon na nagbibigay ng papuri kay Dolly de Leon bilang kauna-unahang Filipino actress na nominado sa Golden Globe Awards at n British Film Academy Awards.

Inihain ni Senador Risa Hontiveros ang Senate Resolution No. 453 na binabati si de Leon para sa mga nominasyon.

Binuhay ni De Leon ang karakter ni Abigail sa Palm d’Or winning film na “Triangle of Sadness.” Si Abigail ay isang toilet manager na nagtatrabaho sa isang luxury cruise ship.

Sinabi ni Hontiveros ,  si Abigail ay nagsisilbing kinatawan ng mga overseas Filipino workers na nagtatrabaho ng malayo sa kanilang tahanan para mabuhay lamang ang pamilya.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *