Resolusyong nag i- endorso para sa renewal ng franchise ng Canoreco aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan

CAMARINES NORTE- Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ang isang resolusyong sumusuporta at nag- i endorso sa renewal ng Franchise ng Camarines Norte Electric Cooperative (CANORECO).

Nais ng Canoreco na maka- renew ng dalawampu’t lima pang taon upang patuloy na mapagbigay ng serbisyo ng kuryente sa mga Cam Norteno.

Sa 2028 pa nakatakdang magpaso ang prangkisa nito pero mas mainam na ma- endorso agad ang franchise renewal at huwag nang hintaying magpaso ito.

Matatandaan na una nang sinabi ni Board Member Rodolfo Gache, ang Chairman ng Committee on Public Utility sa Sannguniang Panlalawigan na kailangan itong aksyunan agad upang hindi manganib na maisapribado ang naturang kooperatiba ng kuryente.

Una na ring nanindigan at nilalabanan ng naturang kooperatiba ng kuryente ang privatization dahil sa negatibong dulot nito sa mga electric cooperative kasama na ang pagtaas ng singil sa kuryente kung saan wala nang kontrol ang mga miyembro kunsomidores.

Hindi kasi katulad ng kasalukuyang set- up na ang miyembro kunsomidores ang nagmamaay- ari ng kooperatiba ng kuryente kaya hindi basta basta ang pagtaas.

Bago maaprobahan ang resolusyon ay humarap sa SP ang mga opisyal ng naturang kooperatiba ng kuryente noong Lunes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *