Tropical cyclone namataan sa labas ng PAR; 2 LPA magpapaulan sa bansa

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang tropical cyclone sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huli itong namataan sa layong 2,265 km sa silangan bahagi ng Central Luzon taglay ang hangin papalo sa 55kph at at pagbugsong aabot sa 70 kph.

Maliban dito may dalawang Low Pressure Area naman ang makakaapekto sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw.

Ang unang LPA ay nakita sa 845 km East of Itbayat, Batanes habang ang isa pang LPA ay tinatayang nasa 235 km West Northwest ng Dagupan City, Pangsinan.

Ang Ilocos Region, Zambales at Bataan ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng LPA.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng ITCZ ang iiral naman sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Habang ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot din ng ITCZ ​​ at Localized Thunderstorms.

Patuloy na pinag-iingat ang publiko sa mga posibleng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na buhos ng ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *