Retired General Jovito Palparan, in-absuwelto sa mga kasong kidnapping

In-acquit ng Korte sina dating retired general Jovito Palparan, at iba pa nitong kasamahan para sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention with serious physical injuries.

Sa desisyon ng Malolos City Regional Trial Court Branch 19, napatunayang hindi raw nagkasala sina Palparan, at iba pa niyang kasama, para sa mga kasong isinampa ng mga magsaksakang sina Raymond at Reynaldo Manalo.

Kung maaalala – sampung taon na ang nakalipas nang ihaing ng magkapatid na Manalo ang mga kaso.

Mababatid na naging matunog ang balitang ito sa ilalim ng administrasyong Arroyo dahil kilalang mahigpit na kritiko si Palparan ng mga komunista.

Bago ito, nahatulang guilty si Palparan para naman sa kasong kidnapping sa mga UP students noong 2006

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *