Senado, nakatakda nang magtungo sa Sitio Kapihan para magsagawa ng ocular inspection sa mga miyembro ng SBSI

Para makita ang totoong sitwasyon sa Sitio Kapihan sa Socorro, Surigao del Norte, magsasagawa ng ocular inspection ang joint committee sa Senado sa lugar.

Ayon kay Sen. Bato dela Rosa, ito’y para makagawa sila ng credible committee report kaugnay ng umano’y reklamo ng pang-aabuso ng Socorro Bayanihan Services Inc na pinamumunuan ni Jey Rence Quilario, o Senior Agila.

Itinakda sa Oct 14 ang inspeksyon na magkasamang gagawin ng Senate public order and dangerous drugs committee na pinamumunuan ni Dela Rosa at Senate Women, Children, Family Relations and Gender Equality panel na pinamumunuan naman ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros.

Makakasama nila sina Senators Jinggoy Estrada, Senator Sherwin Gatchalian at Senator Francis Tolentino.

Sinabi ni Dela Rosa , susubukan nilang kausapin ang mga nakatira sa Sitio Kapihan para malaman kung ano talaga ang nangyayari sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *