Retooled Community Support Program ng DILG-Sorsogon naipaabot na sa mahigit 50 barangay

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng Department of Interior and Local Government (DILG) Sorsogon na mula nang unang ipatupad ang bilyong programa ng Pamahalaan na Retoold Community Support Program (RCSP) na kanilang pinangangasiwaan, umaabot na sa mahigit 50 barangay sa lalawigan ang kanilang nabigyan ng mga programa.

Sa panayam ng Brigada News FM-Sorsogon kay Julius Rodel Cal Ortiz, ang pinuno ng ahensya, sinabi nito na patuloy pa ang ginagawa nilang pag- iikot sa mga bayan mula sa 541 barangays sa lalawigan.

Una rito, naniniwala si Cal-Ortiz na napaka-epektibo ng naturang programa upang mas lalong maiparamdam sa bawat mamamayang Pilipino ang malasakit ng gobyerno kahit na sa mga kasulok-sulukan ng bansa na susi upang mas lalong mawaksi at hindi tuluyang malason ang isipan ng mga tao sa mga propagandang ginagawa ng mga rebeldeng grupo na madalas tinatarget ang mga liblib na barangay gamit ang paninira sa pamahalaan.

Ang RSCP ay isa sa mga konsepto ng Executive Order 70 ng ating pangulo na naglalayong gamitin ang lahat ng ahensya ng gobyerno pati mga pribadong sektor para tapusin ang lokal na insurhensya sa ating bansa.

Ang RCSP Team ay isang mekanismo ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) na pinamumunuan ng Punong Bayan na kung saan ay aalamin ang mga isyu na kinakaharap ng isang lugar at malaman kung paano ito matugunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *