COVID-19 cases sa Bicol pumalo na sa mahigit 22k

BICOL—Pumalo na sa 22,052 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos na madagdagan ng 94 ngayong araw.

73 nito ay mula sa Camarines Sur kung saan 31 ang naitala sa Naga City, siyam sa bayan ng Cabusao, walo sa bayan ng Buhi, lima sa bayan ng Bula, apat sa bayan ng Nabua, tatlo sa bayan ng Pamplona, tigdalawa ang bayan ng Baao at San Fernando at tig-iisa ang mga bayan ng Del Gallego, Gainza, Libmanan, Lupi, Milaor, Pili, Sagñay, Tigaon at Tinambac.

Ang lalawigan ng Sorsogon ay may 14 na bagong kaso kung saan pito nito ay mula sa Sorsogon City, apat sa bayan ng Donsol, dalawa sa bayan ng Prieto Diaz at isa sa bayan ng Bulusan.

Pitong kaso naman ang naitala sa Albay kung saan tatlo ang mula sa lungsod ng Legazpi, dalawa sa lungsod ng Ligao at tig-isa ang bayan ng Daraga at Tiw.

Zero new case naman ang lalawigan ng Camarines Norte at islang lalawigan ng Masbate habang bigong makapagpadala ng specimen ang lalawigan ng Catanduanes.

Samantala, pumalo na sa 18,226 ang total recoveries matapos na magtala ng 93 panibagong gumaling. 64 nito ay mula sa Camarines Sur, 18 sa lungsod ng Naga, walo sa Masbate at tatlo sa Catanduanes.

Pumalo naman sa 842 ang death toll matapos madagdagan ng apat na panibagong nasawi, dalawa nito ay mula sa Camarines Sur at tig-isa ang lungsod ng Legazpi at Naga.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###  || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *