Rice hoarding hindi nangyayari sa NCPM- Management

NAGA CITY –Walang nangyayaring rice hoarding o pagtatago ng bigas sa Naga City Peoples Mall, batay sa naging pahayag ni Market Superintendent Mon Florendo dahil sa kulang nga ang supply ng bigas sa merkado.

Sa kanyang paliwanag sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Florendo na umaasa lamang ang mga rice retailers ng merkado sa mga local dealers sa Camarines Sur at kung ilan lamang ang ibinababa ay tinatanggap ng mga ito kahit kulang na kulang.

Nakakalungkot aniya dahil magpapasko, may ganitong isyu sa bigas, magkagayuman tiniyak niyang kahit papano ay may mabibili pa rin namang bigas sa Naga City People’s Mall na ang presyuhan ay mula sa ₱53.00 pataas.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *