2 engkwentro, naitala sa Masbate

Naitala ang dalawang armed encounter sa pagitan ng Army at rebeldeng grupong NPA sa magkahiwalay na lugar sa Masbate.

Kahapon ng umaga sa boundary ng Brgy Mabini, Palanas at Brgy Liong, Cataingan ay umabot sa 10 minuto ang naging palitan ng putok ng magkabilang panig.

Aabot sa 10 rebelde ang nakaengkwentro ng military na pinaniniwalaang mga kasapi ng Platun 1, Kilusang Larangan Gerilya South ng Sub-Regional Committee 4 na pinamumunuan ni Leony Monillar alias ‘Warren.’

Sa nasabing engkwentro, nasamsam ng mga sundalo ang  isang M16 rifle, 5 magazines at mga personal na pag-aari ng mga rebelde.

Una nang nakasagupa ng 2IB ang ilang rebelde, hapon noong Disyembre 1 sa Sitio Pasto, Brgy Buenos Airies, San Fernando.

Habang nagsasagawa ang mga sundalo ng security patrol sa nasabing erya ay nakaengkwentro nila ang ilang NPA na nagresulta sa 15 minutong palitan ng putok.

Narekober ng mga sundalo sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang M16 rifle, war materials at mga personal na gamit ng mga tumakas na rebelde.

Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang security patrol ng mga sundalo sa nasambit na mga lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *