Rice mill sa barangay sillawit, inireklamo dahil sa perwisyong alikabok sa mga residente

Inireklamo ng ilang mga residente sa isang subdibisyon ang isang rice mill dahil sa alikabok na dulot nito sa Purok 6 barangay Sillawit, Cauayan City.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay kagawad Ruben Mauricio, chairman ng committee on clean and green, sinabi niya na nakatanggap sila ng mga reklamo mula sa mga residente sa Camella Subdivision dahil umano sa nagiging perwisyo na ang alikabok na nagmumula sa katabing rice mill.

Dahil dito ay ipinatawag aniya ang may-ari ngunit hindi ito sumipot sa itinakdang araw kahit sa ikalawang pagkakataon.

Ayon kay Kag. Mauricio, wala rin daw nagtutungo sa kanilang tanggapan sa barangay hall kahit representative man lang.

Napag-alaman din na ilang taon na rin daw hindi nag-renew ng barangay permit ang naturang establishimento at sinasabing hindi ito nago-operate ngunit nang pinuntahan nila ay tuloy pa rin ito sa operasyon.

Hinihintay pa umano ang ikatlong patawag ng barangay para tuluyan nang irekomenda sa kinauukulang ahensya sa lokal na pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *